Nagpapasalamat ka ba ngayon sa Diyos at nanalo ka o ang binoto mo sa Eleksyon?
Kung ikaw ay isa sa kandidato o botanteng nagpapasalamat sa Diyos at nanalo ka/ang binoto mo ngunit alam mong namili ka/ang kandidato mo ng boto, huwag kang magpasalamat sa Diyos.
Malamang sa malamang hindi ang Diyos ang sumagot sa panalangin mo.
Ang pagbili at pagbebenta ng boto ay suhol (bribe) at kinamumuhian ito ng Diyos. Wala Siyang kinalaman dito (He will have no part in it). Inilalayo Niya ang sarili Niya dito dahil Siya ay banal at walang bahid ng kasamaan.
It is a grave insult to God to attribute to Him victory through something that he explicitly prohibits.
"You shall not take a bribe, for a bribe blinds the clear-sighted and subverts the cause of the just. -- Exodus 23:8 (NIV)
"Huwag kang tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag sa mga pinuno at sinisira ang mga salita ng mga banal." -- Exodus 23:8 (Ang Bibliya 2001)
"For the LORD your God is the God of gods and the Lord of lords, the great, the mighty, and the awesome God who does not show partiality nor take a bribe. -- Deuteronomy 10:17
"Sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay siyang Diyos ng mga diyos, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Diyos, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol." -- Deuteronomy 10:17 (Ang Biblia 2001)
Para naman sa mga nagsabing "ayos lang tumanggap at ibinoto ko pa rin naman ang gusto ko," Hindi rin sang-ayon sa iyo ang Diyos dahil ang sabi Niya hindi lang ang pagbibigay ng suhol ang masama kundi pati ang pagtanggap nito.
Kaya kung nananalo ka o ang binoto mo dahil namili sila ng boto o/at tumanggap ka ng binigay nila, hindi ka dapat magpasalamat sa Diyos. Tama ka, mayroong tumulong sa kandidato, pero hindi iyon ang Diyos -- at least, hindi iyon ang Diyos ng mga Kristiyano o ng Bibliya. Hindi iyon ang Diyos na nasa langit kundi ang diyos ng sanlibutan.
Kung ang dahilan mo rin ay "lahat naman ng tumakbo, pati ang kalaban ay namili ng boto," hindi pa rin ito sapat na rason. Nagpapakita lang ito na hindi natin masisisi ang Diyos kung bakit lugmok tayo sa kahirapan at napakabagal at napakahirap makamit sa bansa natin ang karangyaan, kapayapaan, at hustisiya.
Kung ikaw naman ay tumakbo o bumoto at natalo dahil hindi mo masikmurang mamili o magbenta ng boto at lumabag sa utos ng Diyos, sa Saligang Batas at sa batas para sa eleksyon ng Republika ng Pilipinas, itaas mo ang iyong ulo. Tumingala ka sa kalangitan at nakangiti sa iyo ang mahal na Panginoon. Tinalaga ka Niya na maging Pilipino hindi upang manalo o magpapanalo lamang kundi upang gumawa ng tama, kahit na iilan lang ang gumagawa ng tama.
Post a Comment