Ang Huling El Bimbo, the Hit Musical -- Ano na tayo?

Ang Huling El Bimbo, the Hit Musical. Resorts World Philippines (click to watch online May 8 & 9, 2020 only via ABS-CBN Entertainment)


Nakakainis.  

About an hour before the musical ended, my wife Nerissa already noticed my tears.  Kung nagmumura lang ako napapamura na ako ngayon.  Lagi niya akong nakikitang umiiyak pag nasa harap ako nagsasalita.  Pero nakakahiya pa rin kahit magkatabi lang kaming nanunuod sa laptop habang kumakain.  

I broke down more than my wife did.  Si ate Marife Palima kasi sa PM sa akin sabi nakakaiyak daw.  Handa naman ako pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko.  

I guess that's the power of great art, whether it be a painting or a musical on stage.  Panoorin niyo.  Sobrang galing kung paano ginamit ang musika ng ating henersyon (Eraserheads) upang bumuo ng isang kuwento.  Hanggang mamaya na lang ito.

The storyline itself is heart-wrenching but let me quote from a Jann Mendoza who posted her take on the play.  Thanks to Lovejoy Reyes Andres for sharing the screenshot.  Mendoza saw an allegory in the story:

"When the media (Hector) fails to deliver the truth, when the government (Emman) fails to keep its promises, and when the rich (Anthony) fail to understand the poor's struggles, the less-privileged (Joy) will continue to try to rise above, patuloy silang mahuhulog sa kumunoy kung wala silang kakapitan, kung yung mga inaasahan nilang tutulong sa kanila continue to turn a blind eye.

If we don't break this cycle, the world will continue to be bleak for the next generation (Ligaya)."


Ang sarap ng musical dahil naalala ko ang college, ang mga pamilyar na ROTC at iba pang kultura sa college.  At ang musika ng Erasersheads.  Ang bigat din ng tanong para sa atin years after college.  Lalo na sa ating mga Iskolar ng Bayan.  Ano na tayo?  Nasan na tayo sa ating mga pangarap para sa bayan?  Para sa Panginoon?

Alin tayo diyan?  Media?  Private sector? Government?  Doesn't matter kung alin tayo diyan.  Ang tanong nasaan na tayo sa ating sinumpaan?  O sumumpa nga ba tayo in the first place?  

Huli na ang lahat para kay Joy.  Pero tatalikuran pa ba naman natin si Ligaya?


--------------------------------------------------
Salamat sa buong production team.  Salamat Eraserheads.  Salamat Resorts World Manila.  Salamat ABS-CBN.

No comments

Thanks for respecting other readers.

Copyright © 2005-2013 - voyageR-3 - All Rights Reserved. Powered by Blogger.