Death of Army Officers in the hands of the Philippine National Police
Ramdam na ramdam ko ang pighati at galit mo Mac para kay Maj. Marvin Indammog.
We share your call for justice. Kung sino ang mga tunay na nagsisilbi sa bayan, sa kanila pa ito nangyayari. Sa kamay pa ng mga taong dapat ay katuwang nila sa pagsilbi sa Bayan.
Again, the government MUST make sure that guns, tools that could take a life in a second, should only be held by those who have utmost control of themselves and have the highest ideals of justice and service to the Filipino people.
Hangga't hindi nabubura sa ating kapulisan ang template na "nanlaban" at pagtatanim ng ebidensya, aakalain nilang mailulusot lagi nila ang mga gawa nilang mali, at patuloy na mawawala ang tiwala sa kanila ng taong bayan. Kung mga highly trained at battle-tested na mga Army personnel ay nagagawan nila ng ganito, paano pa ang mga ordinaryong mamamayan?
Hangga't hindi nakikita ng sambayanan ang pagbabago sa mga naka unipormeng may sukbit na baril, hindi natin matatanggal ang takot at agam-agam sa mga batas tulad ng Anti-Terror Bill/Law.
Salute to you, Maj. Marvin Indammog. You make Kalinga proud. You make the Cordillerans proud. You make Filipinos proud. Nakakalungkot lang talagang nawalan kami ng kahanga-hangang opisyal na marami pa sanang maiaambag.
<
Post a Comment